Friday, May 14, 2010
Ako.
Hay welcome to blogging. May blog ako sa Wordpress at pati sa Friendster pero hindi ko masyado nilalagyan ng mga kung anuman, bibihira lang. Malamang ito, mapupunuan ko na ng kung anu ano itong blog na ito. Mga kuwento sa buhay ko. Kuwento ng ibang tao. Kuwento ng mga nakita, nasaksihan, nakaantig ng aking damdamin at ibang nabibilang sa mga non-sense na bagay sa mundo. Pupunuan ko talaga ito.
Pucca na lang ang itawag mo sa akin. Paborito ko si Pucca. Kyut, malambing, at mahilig sa simpleng bagay at siyempre malandi na nagkakagutso din sa lalaki. Ang edad ko beinte siyete, hindi katangakran, maputi, maiksi ang buhok at mahilig sa beer. Gusto ko uminom. Before alcoholic, mahilig din manigarilyo pero ngayon nalilimitahan ko na. Tapos ako ng Mass Communication sa Centro Escolar University at balak kong magturo ng English at Filipino, puwede sa High School or College. Kukuha muna ako ng Education units. Siyempre kukunin ko yun sa U.P. (University of the Philippines). Gusto kong magsulat. May diary ako sa bahay. May walo na akong journals at sinimulan ko iyon nung high school pa ako.
Lumakas na din ang interest kong magbasa hindi gaya dati hindi ako makatapos ng isang dalawang daang pahinang libro aa isang linggo aabutin yun ng taon. Mahilig ako sa mga English series na programa. Alternative music ang gusto kong pakinggan, minsan may mga OPM din akong kinababaliwan mostly nakukuha ko pa sa mga soundtrack ng telenobela. Naappreciate ko rin ang K-Pop siguro naimpluwensyahan na rin ako ng mga estudyante kong Koreano at the same time dahil na rin sa kakapanood ko ng Boys Over Flowers. Gusto ko si Sunbae Ji Hoo. Sa interest ko na iyon nakikilala ko ang mga bagay sa labas ng ating bansa. Naisip ko lang paano kung napadpad ako dun? Atleast hindi ako mkuhang tanga. Masarap mag-explore.
Hobby kong kumanta at makasali ulit ng choir. Parang sa Glee. Hindi ko naman sa gingaya, pero ang sarap ng feeling minsan na nailalabas mo ang saloobin mo sa pagkanta kesa idakdak mo pa. Facebook adik ako. Mahilig akong magupdate ng God's message to you, View your Horoscope at Paulo Coehlo's quote of the day. Hindi ko kailanman na-appreciate ang mga computer games. Maging yung pet ko sa Pet Society malamang naagnas na. Marami na ring sigurong nakapatay sa character ko sa Vampire Wars at Mafia Wars. Yung character ko sa Ran at Cabal malamang nasipa na ng Guild Master. Gusto ko ring maging updated sa mga kaibigan ko. Sa tingin ko yun yung pinaka tahimik na paraan ng pangchichismis. Hindi harmful. Malakas akong kumain. Hindi ako tumataba, bilbil lang sa tiyan ang lumolobo idamay mo na din ang pisngi ko. Pero ang braso ko maliit pa rin. Para ba akong malnourished na bata sa Somalia.
Sa pamilya, panganay ako sa tatlong mgakakapatid. Yung sumunod sa akin babae, na sa awa ng Diyos ikakasal na (at inunahan ako). Last, yung bunso namin na lalaki at pinakamatangkad sa lahat (ako pala ang pinka maliit) na mahilig sa banda, punk, emo, at siguro kabilang din siya sa kontrobersyal na grupo ngayon na tinatawag na Jejemons. Siya na lang ang pinag-aaral nina Mommy at Daddy. Si Mommy at Daddy, active na miyembro sa mga church organizations ng aming diocese. Ang Mommy ay may malakas lakas siyang tahian sa bahay. Si Daddy dati siyang Aircraft Loadmaster sa isang malaking Cargo Airline company na pasalamat kay Erap at Lucio Tan, nawalan siya ng trabaho. Yun pa naman ang naging katas ng pagyaman namin nung mga bata pa kami. Kaya si Daddy ngayon, taga-sain, taga-linis ng bahay at kanang kamay nina Mommy sa mga business transactions niya. Ang pinagkakaabalahan ni Daddy ngayon ay Facebook at siyempre ang pag-master ng mga kanta sa videoke courtesy of Youtube. Ateast si Daddy nakakapagpahinga ng matagal. Kung minsan nakakakuha siya ng mga project abroad sa mga dati niyang kasamahan sa trabaho. Sabi nga niya yun ang importansya ng contacts at ng magandang pakikisama sa mga katrabaho.
Hindi kami ngahihirap, may business ang Mommy, ang kapatid kong babae nagtatrabaho bilang manager sa isang Cafe Restaurant. Si Bunso, ilang buwan na lang ang bubunuin matatapos na din siya sa kolehiyo. Ako, I am a part time online English teacher for Koreans. Matapos ang anim na taong naging staff sa mga TV stations, buti at naumpog ang ulo ko na makapagpasyang magbakasyon muna. Sa bahay simple lang kami, ako at si Daddy ang nagtutulong sa gawaing bahay. Taga-luto at kung minsan taga-laba ako kapag maraming ginagawa si Mommy at the rest si Daddy na.
Wala akong ideya kung bakit sa ngayon marami akong nabibigay na impormasyon tungkol sa buhay ko. Malamang dahil sa pakikipaghiwalay ko sa dati kong nobyo at pagakawala ng isang minahal, ayun, marami na akong natutunan. Pinalano siguro na makilala ko ang buhay ng pamilya ko nung mga oras na nasa media pa ako at ang bahay namin dati ay boarding house lang sa akin. Naplano siguro yun, nung mga oras na ang ginawa kong sentro ng buhay ko eh ang dati kong nobyo at hindi ko masyado namulat ang sarili ko sa mga bagay na makakapagpabago sa katauhan ko. Yung tipong maging malaya para kilalanin ang sarili at tumayo sa sariling paa na kailan man ay hindi ko nagawang gawin. Yung makapagsulat ng isang magandang writing piece at makatapos ng mga may sense na libro sa loob lang ng isang linggo. Yung matutunan magluto ng lutong bahay dahil pagdating ng panahon hindi na sina Mommy, Daddy at mga kapatid ko ang makakatikim nun kundi yung pamilya ko naman. Ang dami no? At ang pinaka-importante yung magdesisyon sa mga bagay na kailangan munang iwan para gawin mo ang sariling mong malakas at umangat kahit papaano. Kumabaga, patunayan sa ibang tao na mali ang iniisip nila laban sa iyo.
Siguro hindi nasayang ang sawing pag-ibig na dinibdib ko din ng ilang buwan. Kaya may mawala man o may dumating, parati siguro nating isipin na may makukuha tayong aral o inspirasyon dun na magagmit natin pagdating ng panahon.
Tsaka siyemre, sa likod ko habang tintype ko ito ay ang tatay ko. Nagmamaster nga kanta via Youtube again. Ang kanta, Impossible Dream.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment