Ang dami na akong kantang narinig na parating sinasalihan ng salitang buwan at bituin o moon and star. Kadalasan silang nagiging Simile at Metaphor sa salitang pag-ibig, kasinatahan o minamahal. Meroon diyan yung Lover's Moon na kinanta ni Glenn Frey. High School pa lang ako sobrang finafanatsize ko tiogn kantang ito. Iniimagine ko dati yung crush ko na si Tikboy na hinihintay niya ako sa Lover's Moon na sinasabi sa kanta. Ang iniisip ko pa nga nun isang puno sa gitna ng gabi at ang tanging ilaw lang eh ang liwanag ng buwan. Nakapamewang siya at pawang may hinhintay. At ang hinhintay niya daw, ay siyempre ako. Napapaiyak ako kada tinutugtog siya sa 94.7 Mellow Touch. Madalas akong mapuyat sa gabi sa kakahintay sa mga magandang love songs sa estasyon na yun. May sakit kasi ako na kada nakakarinig ako ng magandang kanta eh nakakagawa ako ng MTV sa loob ng utak ko.
Isa pang nakakaantig sa aking kanta eh tungkol sa mga pangarap. Nung napanood ko yung movie na "Jack" sobrang nagustuhan ko ang kantang "Stars" ni Bryan Adams. Si Jack Powell, ay isang kakaibang bata. Habang nadadagdagan ang edad, x 4 ang itinatanda ng pisikal niyang anyo. Halimbawa kapag 10 years old na siya mukha na siyang 40 years old. Mahirap ang kalagayan niya pero hindi siya bumitaw hanggang sa natapos niya ang high school at naging Valedictorian pa kahit uugod ugod na siya. Sobrang tsumempo ang kanta sa pelikula. Naroroon rin sa lyrics ng kanta ang mahahalagang tanong sa buhay. " Whatcha gonna be when you grow up? Whatcha gonna be when your time is up? Whatcha gonna say when things gone wrong? Whatcha gonna do when you're on your own? There's a road long and winding...."
May kinanta si Sydney Forrest patungkol ulit sa paghihintay pero this time, hindi na yun sa fantasy ng crush. Fantasy na yun sa isang taong hindi ko pa nakikilala. Yung taong nasa future pa ang aming pagkikita. Once in A Blue Moon ang title niya. Ang chessy ko no? Hindi naman porke nagsusulat ako eh kailangan seryoso. Lahat naman ng tao gustong umibig kaya ito ako, umaasa na sa tamang panahon, may darating ulit na magpapatibok ng puso ko. Yung kanta na ito may nagpapaalala din ng isang tao sa akin. Sana nga siya yung "lovelife" sa future dahil ngayon parte na lang siya ng nakaraan ko.
Masarap ang makinig ng kanta, at masarap din na makakakita ka ng isang bagay na hindi mo akalaing makikita mo. Nung maging parte na ng nakaraan ko ang "isang tao" na yun. Inisip ko na lang siya bilang bituin. Kada kasi napapatulala ako sa ulap sa hindi ko ring maintindihang dahilan, iniisip ko isa siyang tala na sumusubaybay sa akin habang nasa ibaba ako. Kahit malayo siya alam ko andyan siya nakadungaw sa mga ulap. Gusto niya kasi akong mag-move on. I-enjoy ang buhay. Buhay mag-isa. Buhay kasama ang pamilya. Kasama ang kaibigan. Kasama na rin ang kalikasan. Gawin ang buhay ko na maganda at matagumpay. Yun lang, gagawin ko lahat yun nang wala siya. Ginagawa ko naman. Masaya pero hindi ko minsan maiwasang maisip siya.
Isang araw, pumunta kami ng kapatid at pinsan ko sa Mall of Asia. I-cecelebrate kasi namin ang birthday ng kapatid ko. Susubukan sana namin ang ice skating rink ng pinaka-malaking mall sa bansa pero hidni na namin natuloy dahil nasindak kami sa mahal ng presyo. Pumunta kami sa bay at nilibre niya kami ng kape sa Starbucks. Papunta pa lang kami nasilayan ko na ang mahiwagang posisyon ng buwan at ng isang bituin. Nasa itaas ng buwan ang nag-iisang bituin. Yung hugis ng buwan kakaiba, ang ganda. Sabi sa balita eclipse yun at ang bituin ay yung planet Venus. Wala ng ibang naisip ang utak ko at ang nasa loob ng puso ko kung hindi yung tao na yun. Nasaan na kaya siya? Ano gingawa niya? Saang parte ng Pilipinas naroon siya ngayon? Nasa north o south? Hindi ko alam. Pero nung pinagmamasdan ko yung dalawang magandang bagay sa itaas, napapangiti ako. Ang drama ko na naman. Siguro okay siya. Ako naman, lumalakas ang loob ko at nadadagdagan ang pag-asa ko sa buhay. Naiisip ko din yung mga masasayang araw na nagpunta din kami sa MOA (Mall of Asia). Yung tawanan at kulitan. Napapangiti ako.
Ano kaya yung Eclipse at ang Venus na iyon? Simbolo ba yun para sa mga taong nagmamahalan? Pag-asa sa buhay? O sa mga taong magkalayo at balang araw magkikita muli saksi ang planeta ng pag-ibig? Gulo. Pero ano pa man yun may kakaiba akong naramdaman dahil sa bagay na iyon sa langit. At yung mga kanta na may kinalaman sa buwan at bituin, kanta sila na pawang nagbibigay inspirasyon na lahat ng bagay posibleng mangyari. Kailangan mag-antay pero kailangan ding magpatuloy sa buhay. =)
Sunday, May 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment