Sunday, October 3, 2010

Past Time

One morning at the office, where I used to open my chatbox and check out the latest stuffs of those people I left from the Philippines, my best bud told me some things related about my one great love that I’ve hurt so much.
She told me, it wasn’t over, he still loves me. He can’t move on and still got the anger towards the other man I used to love.

I wanted to smile but even if I tried I can’t hide how scared I was. I broke his heart a lot of times. I made him cry on that painful night as far as I remember. I pushed him away many times coz I cannot take the guilt anymore. I pushed him away, coz I know he deserves someone else and it’s not me. As long as he sees me around, his heart will die at any moment, no matter how many win back strategies I made. So I left, and did not make such interferences any more. Before I left the place, I can see, how happy he will be if I’m not there. He can easily court that girl he was eyeing that time. Maybe she will be that someone who will not hurt him anymore while I’m away forgiving myself and searching for another life ahead.

I answered my friend, I still love him. After everything that has been said and done by people who have been against of what I did, including him, miraculously, it vanished from my heart. I learned to forgive finally.

I added that I believe, fate will find a way for us to talk, for us to reach out, but by this time I don’t want to make such moves. In short, I don’t want to assume. Maybe, knowing that he dreams of me every night is enough. He thinks of me for a while is enough.

But believing that he loves me still is very uncertain. Knowing him for the past years that we’ve been together as friends and lovers, I can say he is different when it comes to entrusting his feelings again to someone who hurt him. Yes, I admit. I’m afraid again that it will be his turn to hurt me now but not in a way of doing a revenge. Maybe in a way he doesn’t mean to. He would just find it hard to trust me again.
For three long months I’ve been staying here, I accepted all the changes he has right now. New lifestyle. New friends. New girl. I made it all as reasons to finally move on. Then, I wonder how changes will affect us in the future?

I wanted to say, how I wish that time could turn back to fix things up, but we cannot control its hands coz it continuously moves on the next seconds, minutes, hours, days, weeks, months and years. I always thought that each tiktoks of time, we have to find reasons to move forward and just have in mind that each time passes by, things or people from the past can appear to say Hi. It is up for us how to reply because time is always preparing us to face them again.

Still, I don’t close doors for him. I don’t know what this world might offer in the future, but I’m looking forward to have a good talk, a sweet time for reminiscing and honest forgiveness. If it doesn’t happen then maybe that’s how fate wants it to be and for sure there’s a good reason behind. Time runs still and you got no choice but to keep on moving.

Sunday, August 29, 2010

Sulat.

A moment in my life while living far from home is the day I cannot describe myself
smiling while drowned in alcohol. Such a relief, my drunk image moved into a fresh shining face. I saw a message in my notebook from someone I least expect to ask how am I doing? That someone telling me to take care of myself while living in this far away place. Or that someone whom, in my hopes, still wants me to know he still cares after everything that had happened.

With just a short message, made my night feels like already a wonderful morning. But being away, led myself not expecting from that someone anymore though I know how good it feels but I have to wake up from the fantasy. I cannot sleep that night because his images appear each time I close my eyes. I silently pray, asking God to just bless this person. God knows how this person means so much to me. I admit and feel sorry that sometimes I don't trust God's future plans for the both of us. Hard to explain but I am afraid that if I let myself positive all the time, I might get disappointed.

After I made my long reply from that someone's message, I did not let it all leave to a desperate expectation. I put in mind that it's okay if he didn't continue answering to my reply, what matter is I'm glad he keeps me posted and he is interested about what's up with me right now. Again, God is playing such sweet games, here comes another reply from him. The same smile from my face appeared and I cannot hide it with denial. I did not question his explanations on why he didn't reply immediately (because of a busy schedule). I just felt good again and I cannot do anything to stop it or deprive the bliss I am having.

My journal. My 9th journal is HIM. I have a notebook to write him a letter about my life away from him, a life being single and a life away from my homeland. He doesn't have any idea about it, that's why I don't need to wait for a reply. Someday when the right time comes, he is the first person to read about my adventures. I smiled after writing the last line because I remember him telling me that he would love to hear my stories soon. And that last talk, was the day we decided to separate ways.

Wednesday, August 25, 2010

GITNA.

I think it is never good to be neutral. There are times that I thought it is the safest way to avoid a fight, being told that you are biased, or being hated by some people. But when you feel that you wanted to explode than to remain silent, you'll find out that you have your own side to protect you. That's the time you will be at peace.



I wanted to believe some people but I just realized you should learn first to observe things before you get yourself deceived by words. Know both sides even when the issue got stuck between a family member and an acquaintance. The truth not only lies with someone that you know the most, sometimes it lies from the people who know more.



I usually watch the TV series, The Mentalist. Aside from my head over heeled feelings for the protagonist, Patrick Jane (Mentalist) played by Simon Baker, I've learned how to activate the power of observation before concluding. Sometimes you'll be needing experiments and find out how it works on a thing or person. Apparently as you observe, you will get connections, you can get the main problem and sooner you can formulate recommendations. Hahaha sounds like General Science in High School and Undergraduate Study during College.

I've been observing people around me and yeah I can merely see the difference. I came up with the 4 W's (Who, What, When, Where, Why) and 1 H (how) questions. I can almost see the whole picture and what it has done to me, is to know where am I going to stand. It would be crappy if I should be satisfied with just an "I don't know about them" and be quiet. I think, It is okay to be quiet with an idea where your sides on. Loaded with such information is useless if you don't get a single thought to believe in.

Anyway it was just a unique thought I made after finding out some things I am ignorantly blinded. It made me shock but at least I can no longer feel stupid neglecting facts and actions. I can easily get suggestions for myself on how to move and how to react.

Monday, July 19, 2010

Ang Kuwentong Lobo.

May mga bagay talaga na para sa iyo, ibibigay talaga sa iyo. Paunti-unti natutunan kong maniwala sa ganitong paniniwala ng tao. Hindi naman ako naghahangad ng kung anuman ang dumating sa akin kundi ang VISA at ang ticket, higit sa lahat makaalis sa bansa at makakuha ng matinong trabaho. Pero habang paparating ang mga araw na hiniling ko, iniisip ko yung taong kakausapin ko sa huling paglalagi ko sa Manila. Siya na yun, ang taong lobo.

Ang lobo na itago na lang natin sa pangalang, Jacob. Isa sa mga naging matalik na kaibigan na minhal ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Naks. Pero totoo. Naniniwala na ako sa unconditional love dahil sa kanya. Minsan masarap ng magbigay ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit, walang hinhinging "oo tayo na", walang hinihinging, "bakit minahal naman kita ah, hindi pa ba sapat yun?" Totoo naman na mahirap umasa eh. Mas masarap na lang na nandyan ka, doing your own little things while taking care a very special person. Martyr na kung tawagin pero uso yun at naiintindihan ko ang mga taong ganun. Pero sa pagiging martyr huwag lahat ibigay, paano ka naman? Bigyan mo pa rin ng kalayaan ang sarili mong sumaya.

Si Jacob. Kada naririnig ko ang pangalan niya, napapatigil ako sandali at ngingiti. Hindi ko alam kung ano ang magic sa pangalan niya basta napapangiti na lang ako.
Isa siyang kaibigan na sa lebel ng pagkakaalala ko, masaya. Tawa pa lang niya nakakatuwa na. Yung mga pandadaot niya, nakaksakit na ng tiyan. Yung mga panlalait niya na hindi nakakapikon kasi namumura mo naman siya. Siya at wala ng iba. Siya na may ibang klaseng pag-iisip. Pero habang nakikilala mo siya, hindi ko alam kung nahawa na ba ako sa kawirduhan niya o sadyang naiintindihan ko siya.

Matagal tagal na din kaming hindi nag-uusap, matagal na, pagkatapos mangyari ang masasakit na bagay sa akin, malamang sa kanya at sa iba pang tao. Nagparaya kami at hinarap ko ang reyalidad ng wala ang pangalang "Jacob" sa isip ko, pero nasasagi pa rin paminsan-minsan. Iniisip ko kung asan na siya, anong ginagawa niya, naaalala pa kaya niya ako kahit paminsan minsan. Just the basic question when someone is away from you. Pero itinakda na siguro ng tadhana na magkita kami. makapag-usap at magkaroon ng kasagutan ang mga tanong ko. Itinakda nga yun mga ilang araw bago ako makaalis.

Sa harapan ng isang kaibigan, na isa rin sa mga taong gusto ko makita bago ako umalis, napag-usapan namin siya. Nabanggit ko na gusto ko siya makausap at nag-save talaga ako ng draft sa celphone ko ng mensahe para sa kanya. Ganun ako kakaba na halos ipa-edit ko pa sa kanya ang text ko na yun. Sabi ko lang God bless, ingat ka, and you will always be in my heart. Diba ganun lang ka-corny, pero ang totoo talagang message nun, "Can I see you before I leave?" Nabasa na nga ng kaibigan ko, at dun mismo sa harapan niya, sinend ko na ang suntok sa buwan na message. Ito na ang sumunod na eksena.

Nag-antay kami ng ilang minuto sa isang napakahalagang message alert tone. Ayun may nagtext na. Si Jacob. Kinilig kaming dalawa ng kaibigan ko. Biglang banat sa message: "Salamat sa update, pero sino ito? Nagreset kasi yung phone ko." Naudlot ang kilig, kinabahan ako ulit sabay reply: "Si ghel to, ano ka ba." Biglang ang reply ng lobo; "Ghel, sorry! Alam mo bang nabura yung mga numbers sa celphone ko. Anyway baka gusto mo kumain tayo when you are free to see me." ito ang pinakakilig moment sa aming dalawa ng kaibigan ko. Weeee! Nakapagdesisyon kami ni Jacob magkita sa isang mall sa Quezon Avenue. Inantay ko ang Martes. Dumating ang Martes, sobrang naaaburido na ako dahil hindi pa siya nagtetext. Nakalimutan ba niya? O ginago lang ako nun? Sumangguni ako sa ilang mga mapagkakatiwalaang kaibigan. Sabi ng iba huwag ng umasa, sabi ng iba, itext ko baka busy lang. Binigyan ko siya ng ilang minuto, maliligo muna ako. Pagakaligo, nakita ko ang text, siya na. Dinner daw kami by 7:30pm. Sobrang ngumiti ako na parang nabaliw.

Nagkita kami. Pagkakita ko sa kanya hindi ko mapigilang ngumiti ng bongga. Hinalikan niya ako sa pisngi. Gusto ko pa sanang humirit ng yakap kaya lang over na. Kumain kami sa paborito niyang resto. Siya ang nanlibre. Nakakatuwa kasi andun pa din yung biro niya na kung kailan nasa counter biglang babanat sa akin na, "Naku wala pala akong dalang pera" normal na yung reaction ko na mapamura ng "put*** i**ng yan o" ayun tatawa siya kapag nakikita niyang sumakay ako sa joke niya. Kumain kami habang nagkukuwento siya. Ang galing pa rin niyang magkuwento yung tipong nagbabasa ka ng libro. Kinuwento niya yung mga nangyari sa buhay niya. Parang bible sharing. Madami na siyang kinuwento, pagkatapos nun, tinanong niya ako, na "eh ikaw kamusta ka na?" Sabi ko mas okay na ako ngayon kesa dati. Pilit ko man iwasang maluha ng konti, siguro napansin na din niya na hindi maganda ang maikukuwento ko dati, sinabi na niyang huwag ng pag-usapan pa. Pero ang binanat niya sa akin bago lumihis ng ibang landas ang aming pag-uusap, "hindi ko pinagsisihan na nagkahiwalay kayo atleast nalaman mo kung ano ang nangyari."

Gaya pa din ng dati, nakipag-usap ako sa kanya habang naglalakad kami sa mall. Kinamusta ko ang mama niya yung mga kapatid niya. Nabanggit ko sa kanya na maganda yung librong Life of Pi (PEE sa pagkakapronounce ko) pero tinama na naman niya ang pronunciation "anong Pi(pee), Pi (PIE)! Sabi ko, "Pie ba yun?" Bumanat pa ako as if hindi ako nagkamali. Sinabi ko din na kinakabahan ako pag-alis ko, natatakot akong malungkot dahil sa mahabang panahon na nasa puder ako ng mga magulang ko, ngayon lang ako mawawalay sa kanila. Sabi niya, natural lang daw na maging malungkot. Sinamahan niya ako sa labas para mag-yo, at pagkatapos nun, nagsama na kami sa isang taxi para umuwi. As usual, hindi natapos ang gabi na wala siyang tinarayan. May pinagsabihan siyang taxi driver na humihingi ng dagdag. Anyway, nung nakasakay na kami sa matinong taxi, sinabi ko sa kanya na mamimiss ko siya pero hindi ko alam kung narinig niya yun o hindi. Hindi na kasi siya sumagot. Pagbaba niya sa kanyang bahay, hinalikan niya ulit ako sa pisngi. As usual gusto ko siyang yakapin pero kamusta naman, nakaupo ako sa sasakyan at nasa labas na siya.

Wala akong nararamdamang lungkot dahil mawawalay ako sa kanya. Masaya na akong malaman na okay siya at tinupad ni God yung hiling ko na makapag-usap ulit kami. I know na alam Niya na gustong gusto kong gawin ulit yun, yung marinig ang kuwneto nung taong lobo. Kung may kasabihan ang mga babae na "ngiti pa lang ulam na" para sa akin, "siya, kuwento pa lang busog ka na".

Nagyon na malayo ako sa pamilya, kaibigan ko at sa kanya eh talaga nga namang nakakalungkot. Pero ito yung pinili kong landas para mas kilalanin ko pa ang sarili ko. Maintindihan ang iba pang bagay. Alam ko sa pagbabalik ko, makikita ko pa rin siya, marami na rin sigurong pagbabago pero wala na akong bagay na aasahan pa kung hindi yung mga kuwentuhan na dati na naming ginagawa. Yung mga kuwentong nakakaalis ng stress, nakakawala ng worries at problema. Higit sa lahat yung mga kuwentong alam mong mayroong series. Kung ako ang tatanungin, sabik na ako sa bagong series.

Wednesday, July 7, 2010

FLIGHT


Kakapost ko lang sa facebook na kabado ako. Mabilis talagang kumalat ang balita. Wala pa nga ako napopost marami na ang may hint. May maitatago pa ba ako eh di sabihin na. Sa Hulyo kinse, papunta na ako sa Abu Dhabi, UAE. Titira ako sa mga tiyahin at pinsan ko doon at magiging alipin ng mga arabo o ilang mga dayuhan. Ilang taon ko ding nasa isip ang pag-aabroad, ngayon lang ako nauntog. Tama na ang anim o pitong taon ko sa pagtatrabaho sa bayan. Panahon na siguro mangibang bayan. Totoo ang kasabihan na habang buhay pa, maging liberated sa pag-alis. May passport ako pero ni isang tatak na visa, wala pa rin. Sayang lang ang nagastos mong pag-gawa na 750 pesos at pagpaparenew nito na 750 pesos ulit.


Siguro kakambal na ng pagsusulat ang paglalakbay. Marami na akong naririnig, (sa mga kaibigan, sa mga kamag-anak na nakaalis na ng bansa na iba ang buhay sa labas. Marami ka pa daw masasaksihan na grabe, at kung minsan kaaya-aya. Kaya malamang ang blog ko na ito mabubusog sa imprmasyon na aking isusulat. Isa pa hindi lang UAE ang mga nabuong lugar sa aking isip na gusto kong puntahan, marami pa. At ang lakas ng loob kong sabihin na handa na akong isa isahin yun.

Nakaimpake na ko pero may mga kulang pang pantalon, slocks , medyas at underwear. Ang visa, inaantay ko pang mapadala ngayong araw na ito. Sa isang lingo, aantayin ko naman yung authenticated documents galing sa UAE embassy. Handa na rin ang ticket, passport, konti na lang pala ang kulang. Sana lahat yun makarating bago mag-akinse. Dahil nakakahiya naman sa mga nakaalam na naudlot ang pag-alis ko. Mahirap na.

Habang papalapit ng papalapit ang araw ng pag-alis ko, naiisip ko pa rin ang mga tao, bagay at hayop na maiiwan ko. Hindi pala ganun kadali. Iniisip ko paano kung makalipas ang lima o anim na taon, buhay pa ba sila? Anu-anong pagbabago ang makikita ko sa aking pagbalik? Unang una, naiisip ko ang pamilya ko. The best kasi itong grupo na ito bago ang mga tropa ko. Si Daddy at si Mommy, sila ang naging punong abala sa unang proseso ng aking pag-aabroad. Sabik na talaga nila akong paalisin. Siguro nagsawa na sa pagmumukha ko, kasi mag-iisang taon na rin akong nasa bahay, pero for sure hindi nila makakalimutan ang luto ko. Si Edyik, ang aking bunsong kapatid. Sana lang hindi niya ako biguin. Si Mae, isang taon na lang ikakasal na at tuluyang titira na sa bahay ng kanyang future husband. Sana lang madadalaw pa din niya ang parents naming, kasi kung hindi wala siyang kuwarto pag napagawa ko na ang bahay.

Sina Cat Food. Mahal na mahal ko ang mga ibon na ito. Kahit hindi na sila nagkaanak. Two years old na sila at sobrang malalakas pa rin. Ipapaubaya ko muna sila kina Daddy kasi hindi ko na sila mapapakain araw araw. Ngayong lingo, may cleaning ceremony ako sa kulungan nila. Iyon ang huli kong serbisyo sa dalawang lovebirds ko.




Isa pa yung mga pussies sa bahay. Sana pagbalik ko nakalipat na kayong ng bagong CR. Nakakabanas na kasing maamoy kada maliligo ako ang pinagsamang shampoo at poopoo ninyo. Try niyo kaya, hindi mabango.







Yung halaman kong si B. Natural hindi ko siya madadala sa airport, pero madaming magdidilig sa kanya. Wag lang nilang lunurin.



Siyempre yung mga girlfriends ko at mga barkada ko sa ilang lupalop ng mundo. Ano bang magagawa ko sa mundo na ito kung wala kayo? All my pains will be worth it someday, pangako ko yan. I’ll remain single mga bakla!

More experiences from abroad to be posted. Till I see you again Philippines! =)

Saturday, June 12, 2010

Karate, Kung Fu and Arnis, I want.

Dati pangarap ko maging gymnast. Ang alam ko lang na reason ay gusto kong makaranas tumambling at magsplit. Nung elementary ako humiram ako ng libro sa gymanstics. Ginagaya ko ang mga pictures na nakikita ko sa libro. Ginagaya ko yung babae na naka-perfect split, sinubukan kong gawin yun sa kuwarto namin na ubod ng liit. Actually sa liit ng kuwarto namin nun, puwedeng puwede kong dayain ang pagsplit ko, ang gagawin ko lang iipit ko lang ang mga paa ko sa magkabilang pader, hindi na mabibisaklat ang binti ko nun, perfect split talaga. Nangyari na lang na nakapagsplit ako sa birthday ng barkada ko. Lasing ako nun at malakas ang loob, pero nung pagdulas ng aking mga paa, dismayado pa rin. Kahit ang pagtumbling ko sa garaje hindi rin mapeperfect kasi kulang ako sa facilities at wala akong coach kundi ang pictures sa libro. Kaya wa-epek.

Nainspire din ako sa Taekwondo at iba pang martial arts. Ang astig tignan kahit sa mga pelikula. Nakakuha ko ng libro nun sa tatay ko, sa pagkakaalam ko nag-aral si daddy ng Judo. Kaya puro Judo ang laman ng libro. Pero nakakapagod lang kasi hindi ko alam ang mga techniques kung paano gagawin yun. Madali lang tignan pag nasa litrato pero pag gagawin muna, ihanda mo na ang katawan mo sa sakit ng katawan at bali baling buto.

Sa Pilipinas meroon din tayong tinatawag na martial arts. Ang Arnis. Nung nagtatrabaho ako sa TV production, nakapag-document kami ng mga Pilipino at kahit Amerikano o Briton na nilalaro ang Arnis. Ang Arnis, Kali o Eskrima ay isang Philippine Martial arts na gumagamit ng yantok, kutsilyo o di kaya kahoy na espada. Nung panahon ng mga Kastila pa ito popular. Iyon nga lang lubog na ito ngayon at iilan na lang ang tumtangkilik. Kaya nung nagdocument kami ng mga pinoy na patuloy sa pagsuporta at paglalaro ng ganitong martial arts, saludo ako sa inyo. Special mention na rin kay late Grand Master Roland Dantes. As usual, sa mga nakausap kong tao nun na walang kapagurang nagsasanay ng ganitong sports katulad ni Ms. Lorie Dominguez, nagtanong tanong ako kung paano matuto nito. Mayroon silang mga sessions at kung hindi ako nagkakamali may free training sila. Na-excite naman ako nun kaya lang sa sobrang hectic ng schedule, hindi ako nakapunta ni isang beses. Diba ang sad. Sa dinadami ng mga bagay na gusto kong subukan hindi ako pinalad na masubukan.




Anyway, enough with the drama. Kaya dito sa babanggitin kong mga pelikula at isang movie review. Dito ko na-realize kung gaano ako kainggit sa mga batang ito.

Nanuod ako ng The Karate Kid. Ito ay pinagbibidahan ni Jaden Smith, anak siya ng popular na artistang si Will Smith (Men in Black) at siyempre ang ever legendary Kung fu artist na si Jackie Chan. Maganda ang kinalabsan ng pelikula. Tungkol kasi ito sa isang bata na si, Dre. Lumipat siya at ang kanyang ina sa China galing Detroit. Bilang bagong tao sa isang asyanong lugar, mahirap din sa kanya ang makapag-adjust lalo na sa mga batang mambu-bully at hindi lang basta basta mambu-bully, magaling sila mag-Kung Fu. Siyempre ever bugbog saradong umuuwi si Dre hanggang sa nakilala niya si Mr. Han (Jackie Chna) isa lang siyang tubero o maintenance sa apartment na tinitirahan nila pero magaling pala itong mag-Kung fu. Nag-wowonder ang ilang mga nanuod bakit daw Karate Kid eh samantalang Kung Fu ang itnituturo ng movie? Sabi sa internet ito pa lang si Dre mayroon daw konting alam sa karate nung nasa Detroit pa, at sa ibang webiste ang sabi ni Chan (Jackie Chan) na ang The Karate Kid daw ay released movie title sa Amerika at Kung Fu Kid daw sa Asian countries. Parang ang gulo ng sagot. Pero if ako ang tatanungin mas akma na ang Kung Fu Kid para maiba naman.

Kung mapapanood mo pa ng buo ang storya, sobrang malaki ang resemblance nito sa mga movie episodes na The Karate Kid I, II, III. Nagsimula ang movie noong 1984 na ginanapan ni Ralph Maccio bilang si Daniel LaRusso at ni Pat Morita bilang Mr. Miagi. Ganun din ang tema ng storya na kung saan natuto ng Karate Si Daniel-san sa tulong ni Mr. Miagi. Sumali rin siya sa isang tournament at siyempre may nakilalang babae na naging love interest niya. Kaya nga sumikat ang kanta ni Peter Cetera at ng Chicago na ♪♫ I am the man ♪♫ who will fight for your honor♪♫♪♫, o yung The Glory of Love. Sobrang natipuhan ko Si Ralph Maccio sa 2nd episode nun kung ssan may na-meet siyang Haponesa sa Japan. Nung part three naman, hindi ko akalain na may panibago ulit siyang babae. Well people change and movies change ika nga.





Makalipas ang isang dekada, may pahabol pang series na pinagbidahan pa rin ni Mr. Miagi. Ang The Next karate Kid na ginanapan naman ng isang babae. Si Julie Pierce, isang estudyante at madalas ding ma-bully ng mga schoolmates niyang lalaki. Si Hilary Swank (Million Dollar Baby at Boys Don't Cry) ang gumanap sa papel na ito. Sa pelikula pa lang, masasabi mong napaka-versatile talagang aktres si Swank. Natutunan niya ang karate para sa movie, at nakitaan pa natin siya ng galing sa pagiging boxing champ sa Million Dollar Baby sa direksyon ni Clint Eastwood. Lahat na ata ng role kayang kayang niyang ganapan kasi hindi pinuwersa ang pagkaka-arte niya, nagiging natural dahil sa pagsasanay. Si Pat Morita pa rin ang Mr. Miagi sa pelikula at doon ipinakita niya ang essence ng isang father-daughter relationship.


Noong 2005, sumakabilang buhay si Nuryuki "Pat" Morita sa edad na 73. Natural cause ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Nung binasa ko ang kanyang biography, ni isang experience sa karate wala akong nakita. Nagsimula siya bilang isang komedyante. Akalain mo napaniwala ako na isa talaga siyang expert sa karate. Magaling nga siyang umarte kaya naman dahil sa The Karate Kid, umani siya ng parangal sa Oscar at Golden Globe award bilang Best Supporting Actor.





All in all, it's a must see movie ang The Karate Kid. Aside from enjoying scenes in China at mai-inspire ka rin mag-Mandarin, Cantonese o Fookien, the movie has inspiring dialogues. Hindi lang siya na-aapply sa buhay karetista pero sa totoong buhay din ng tao.

Tuesday, May 18, 2010

Maging Tapat.


Ang dami niyang nagawa. Iyang "Honesty" na yan. Sampung Buwan na ang nakakalipas pero ang sindak mula sa nakaraan patuloy pa ring nagpaparinig at nagbibigay insulto sa ginawang kabutihan. Marami siyang nagawa. Pighati. Luha. Pagkadepress. Pagkalango sa alak. Pagkaadik sa yosi. Higit sa lahat eh ang mawala ang taong maaasahan mo sa lahat ng bagay.

Ilang beses na akong nagsinungaling. Nung bata pa ako, naku, madalas yan. Para lang umiwas sa palo ni Mommy talaga namang naging useful sa akin ang kasinungalingan. Sa school, napagdaanan ko ang forgery, napagdaanan ko rin ang magsinungaling sa teacher na may sakit ako pero wala naman talaga, gusto ko lang lumabas ng classroom at sa clinic matulog. Ang saya kasi nakakalusot ka. Pero ang tanong, nakakalusot ka ba kung sasabihin mo ang totoo?

Nung nagkaroon ako ng nobyo, hindi madali ang hindi magsinungaling kasi madalas ko na ring binubuko ang sarili ko sa kanya kada hihirit ako ng kasinungalingan. Siguro hindi ko kayang may itinatago sa kanya. Nagulo minsan ang pananaw ko nung umamin pa ako sa mga bagay na dapat niyang malaman. Ayaw niya ng umiinom ako ng sobra sobra, kasi madalas ako malasing. Pero pag kasama ko mga katrabaho ko minsan sinasabi ko na may tinatapos ako pero uuwi ako maaamoy niya akong amoy serbesa. Ayaw din niya sa babae ang nagyoyosi, kaya ako naman number one sa taguan.

Siguro wala ni isang tao sa mundong ito ang hindi pa nakakapagsinungaling. Lahat na halos, mapa-white lies man yan o over sa lies. At kahit napakabait man ng tingin mo sa tao, may kasinungalingan pa ring sasabihin. Hindi ko maintindihan ang buhay bakit ang kasinungalingan ay masama pero bakit sa lahat ng bagay siya ang kailangan ng tao? Bakit ang honesty na nagsisilbing tama ay siya itong hindi ginagawa ng tao? Bakit nga ba masarap ang bawal or should I say, ang magsinungaling? Dahil ba naliligtas ang isang indibidwal sa katarantaduhang pinasok niya? Dahil ba ikaw ang magmumukhang malinis at mababaling ang masamang bahid sa taong nagtapat? Natanong ko pa minsan, bakit yung nagtapat ang siyang nakakasalo ng karma?

Sa totoo lang, hindi ako pala-simba, kahit katoliko ako. Dati sumubok akong pumasok sa tahanan ng Diyos pero wala akong makasama hindi kasi ako sanay. Hanggang sa tinamad na ako. Hindi naman ako satanista, andun pa rin ang bonding kay Bro. Mas nasanay akong tanungin na lang siya sa kung saan man ako datnan ng sumpong. So tinanong ko siya. Bakit ako yung sumasalo ng karma knowing nagtapat naman ako. Hindi ba dapat mas marami pang magagandang bagay ang dapat dumating sa akin dahil ginawa ko ang tama. As usual hindi siya sasagot. Yun parang may maririnig ka na boses na hinuhugot pa sa kailaliman ng lupa. Hindi, hindi ganun ang nangyari. Since hindi ako nakakuha ng sagot, nagpatuloy na lang akong maglakad. Sa paglalakad ko, doon ko lang pala makikita ang kasagutan. Sa pagfefacebook, sa pagmo-mall, sa pagbabakasyon at sa pagtuturo, doon ko pala makikita ang kasagutan.

Sa mga parinig at panghuhusga natuto akong sumawalang kibo. Nakakatawa nga eh yung mga tao pang nasaktan ko, ang nagpost sa FB ng quote na "Silence is a bliss, Ignorance is a virtue." Totoo naman na Silence is a Bliss ang mali lang, yung application nila sa sarili nila. Ignorance is a Virtue, totoo din yun. Pero hindi kaya baligtad? Ako ang dapat tumatahimik kasi ako ang umaming nagkasala? Kaya lang ang nangyayari mas ako pa ang maraming naririnig mula sa kanila. Ito lang ang natutunan ko, magpasabog ka ng galit kung kailan sobra na. Kumbaga eh hit the person when it is already hitting you below the belt. Hanggang wala pa dun sa point na yun you shut your mouth and ignore them. Awa ng Diyos, wala pa naman sa level na yun. Actually kakaganun nila, na-realize ko lang yung value ng pagkakaibigan. Hindi pala porke barkada, eh sila ang tamang taong dapat samahan. Minsan hindi rin.

Naalala ko lang, may nagsabi sa akin na wala daw akong trabaho with matching tawa ng kayabangan. Nadepress ako nun. Yung nagsabi nun alam ko na he is trying to pull me down kasi nga dahil sa ginawa ko. Ipinapakita niya sa akin ang ikalawang karma ko dahil sa pagtatapat. Pilit ipinapahiwatig sa akin na guguho ang career ko. Minahal ko ang trabaho ko kahit part time lang. Sinuklian ako ni bro ng mabubuting estudyante at nadadagdagan pa sila. Isa pa nagkaroon na ako ng offer na mas maganda pero tsaka ko na sasabihin. Inisip ko masuwerte pa rin pala ako kesa sa taong yun, kasi ako pagkatapos kong grumadweyt, ang dami ko ng pinagdaanang trabaho siya naka-stock pa rin siya sa negosyo ng magulang niya at dun na lang umiikot ang buhay niya. Ako madami ng nasubukan dahil sa pagkayod. Maganda na nabuhay ako sa sarili kong pawis. Natuto akong mag-gala ng walang sariling kotse. Hindi kasi ako nabuhay ng may nakahapag na. Natuto kasi akong maghanap ng ihahapag.

Nahati ang grupo ng mga kaibigan ko. Ikatlong karma. Mahirap siyempre dahil sila na ang nakasama ko pero dahil sa ako yung lumalabas na masama at active ang mga "naaapi" sa pananaw nila, ayun iilan na lang din ang nakakasama ko. Pero dito pa lang sa sitwasyon na ito, nakikita ko kung sino ang matapat, sino yung mapagkakatiwalaan. Sino yung hindi makitid ang utak. Ayun eh yung pamilya ko, ang ungas kong pinsan, mga kamag-anak sa ELBI at yung high school at college friends ko. Doon ako nag-hold on sa mga tao na yun at kailan man hindi na dapat kailanganin ang mga taong husga doon husga dito.

Pinakahuling karma ni Pucca. Nawalan ako ng taong minahal, umalis siya at bibihira ko na lang makita. Espesyal ang taong yun pero iniwan ako ngunit naniniwala akong may magandang reason kung bakit. Hindi ako umaasa na magiging kami pero umaasa ako sa tadhana na one day magkikita kami at mapagkukuwetuhan namin yung mga pinagdaanan namin. Kahit hindi na nobyo, kaibigan na lang tutal doon lahat nagsimula at nangyaring mahulog nang hindi inaasahan. Naging tapat siyang kaibigan sa akin at hindi ko kakalimutan yun. Natakot ako nun, kasi bibisitahin ko siya sa ospital. Ang feeling ko baka galit siya sa akin kasi binura ko siya sa FB. Nanalangin ulit ako kay bro na sana maging maganda ang pagkikita namin. Nung magkita kami, ngiti, halik at yakap ang binigay niya sa akin. Pakiramdam ko tanggap niya pa rin ako sa kabila ng lahat ng nangyari. Nagkuwento siya kahit konti sa akin, nangamusta. Yun ang huling kita ko sa kanya. Pinasaya ako ni Bro nun. Yun ay makita siya ulit at okay ang lagay niya wala na akong aasahan pang iba. Kahit nakalimutan niya akong batiin nung birthday ko wala na yun sa akin ang mahalaga, pinansin niya ako, yun na ang pa-birthday ni God sa akin.

Hay ayun na siguro ang good karma na maituturing ko sa pagiging matapat ko sa isang sitwasyon. May lesson din pala. Kaya yung mga nagsisinungaling, come up come up wherever you are. Wag ismolin ang bad karma ako nga impyerno na yun eh what more pa sa mga katulad niyo. =)