Saturday, June 12, 2010

Karate, Kung Fu and Arnis, I want.

Dati pangarap ko maging gymnast. Ang alam ko lang na reason ay gusto kong makaranas tumambling at magsplit. Nung elementary ako humiram ako ng libro sa gymanstics. Ginagaya ko ang mga pictures na nakikita ko sa libro. Ginagaya ko yung babae na naka-perfect split, sinubukan kong gawin yun sa kuwarto namin na ubod ng liit. Actually sa liit ng kuwarto namin nun, puwedeng puwede kong dayain ang pagsplit ko, ang gagawin ko lang iipit ko lang ang mga paa ko sa magkabilang pader, hindi na mabibisaklat ang binti ko nun, perfect split talaga. Nangyari na lang na nakapagsplit ako sa birthday ng barkada ko. Lasing ako nun at malakas ang loob, pero nung pagdulas ng aking mga paa, dismayado pa rin. Kahit ang pagtumbling ko sa garaje hindi rin mapeperfect kasi kulang ako sa facilities at wala akong coach kundi ang pictures sa libro. Kaya wa-epek.

Nainspire din ako sa Taekwondo at iba pang martial arts. Ang astig tignan kahit sa mga pelikula. Nakakuha ko ng libro nun sa tatay ko, sa pagkakaalam ko nag-aral si daddy ng Judo. Kaya puro Judo ang laman ng libro. Pero nakakapagod lang kasi hindi ko alam ang mga techniques kung paano gagawin yun. Madali lang tignan pag nasa litrato pero pag gagawin muna, ihanda mo na ang katawan mo sa sakit ng katawan at bali baling buto.

Sa Pilipinas meroon din tayong tinatawag na martial arts. Ang Arnis. Nung nagtatrabaho ako sa TV production, nakapag-document kami ng mga Pilipino at kahit Amerikano o Briton na nilalaro ang Arnis. Ang Arnis, Kali o Eskrima ay isang Philippine Martial arts na gumagamit ng yantok, kutsilyo o di kaya kahoy na espada. Nung panahon ng mga Kastila pa ito popular. Iyon nga lang lubog na ito ngayon at iilan na lang ang tumtangkilik. Kaya nung nagdocument kami ng mga pinoy na patuloy sa pagsuporta at paglalaro ng ganitong martial arts, saludo ako sa inyo. Special mention na rin kay late Grand Master Roland Dantes. As usual, sa mga nakausap kong tao nun na walang kapagurang nagsasanay ng ganitong sports katulad ni Ms. Lorie Dominguez, nagtanong tanong ako kung paano matuto nito. Mayroon silang mga sessions at kung hindi ako nagkakamali may free training sila. Na-excite naman ako nun kaya lang sa sobrang hectic ng schedule, hindi ako nakapunta ni isang beses. Diba ang sad. Sa dinadami ng mga bagay na gusto kong subukan hindi ako pinalad na masubukan.




Anyway, enough with the drama. Kaya dito sa babanggitin kong mga pelikula at isang movie review. Dito ko na-realize kung gaano ako kainggit sa mga batang ito.

Nanuod ako ng The Karate Kid. Ito ay pinagbibidahan ni Jaden Smith, anak siya ng popular na artistang si Will Smith (Men in Black) at siyempre ang ever legendary Kung fu artist na si Jackie Chan. Maganda ang kinalabsan ng pelikula. Tungkol kasi ito sa isang bata na si, Dre. Lumipat siya at ang kanyang ina sa China galing Detroit. Bilang bagong tao sa isang asyanong lugar, mahirap din sa kanya ang makapag-adjust lalo na sa mga batang mambu-bully at hindi lang basta basta mambu-bully, magaling sila mag-Kung Fu. Siyempre ever bugbog saradong umuuwi si Dre hanggang sa nakilala niya si Mr. Han (Jackie Chna) isa lang siyang tubero o maintenance sa apartment na tinitirahan nila pero magaling pala itong mag-Kung fu. Nag-wowonder ang ilang mga nanuod bakit daw Karate Kid eh samantalang Kung Fu ang itnituturo ng movie? Sabi sa internet ito pa lang si Dre mayroon daw konting alam sa karate nung nasa Detroit pa, at sa ibang webiste ang sabi ni Chan (Jackie Chan) na ang The Karate Kid daw ay released movie title sa Amerika at Kung Fu Kid daw sa Asian countries. Parang ang gulo ng sagot. Pero if ako ang tatanungin mas akma na ang Kung Fu Kid para maiba naman.

Kung mapapanood mo pa ng buo ang storya, sobrang malaki ang resemblance nito sa mga movie episodes na The Karate Kid I, II, III. Nagsimula ang movie noong 1984 na ginanapan ni Ralph Maccio bilang si Daniel LaRusso at ni Pat Morita bilang Mr. Miagi. Ganun din ang tema ng storya na kung saan natuto ng Karate Si Daniel-san sa tulong ni Mr. Miagi. Sumali rin siya sa isang tournament at siyempre may nakilalang babae na naging love interest niya. Kaya nga sumikat ang kanta ni Peter Cetera at ng Chicago na ♪♫ I am the man ♪♫ who will fight for your honor♪♫♪♫, o yung The Glory of Love. Sobrang natipuhan ko Si Ralph Maccio sa 2nd episode nun kung ssan may na-meet siyang Haponesa sa Japan. Nung part three naman, hindi ko akalain na may panibago ulit siyang babae. Well people change and movies change ika nga.





Makalipas ang isang dekada, may pahabol pang series na pinagbidahan pa rin ni Mr. Miagi. Ang The Next karate Kid na ginanapan naman ng isang babae. Si Julie Pierce, isang estudyante at madalas ding ma-bully ng mga schoolmates niyang lalaki. Si Hilary Swank (Million Dollar Baby at Boys Don't Cry) ang gumanap sa papel na ito. Sa pelikula pa lang, masasabi mong napaka-versatile talagang aktres si Swank. Natutunan niya ang karate para sa movie, at nakitaan pa natin siya ng galing sa pagiging boxing champ sa Million Dollar Baby sa direksyon ni Clint Eastwood. Lahat na ata ng role kayang kayang niyang ganapan kasi hindi pinuwersa ang pagkaka-arte niya, nagiging natural dahil sa pagsasanay. Si Pat Morita pa rin ang Mr. Miagi sa pelikula at doon ipinakita niya ang essence ng isang father-daughter relationship.


Noong 2005, sumakabilang buhay si Nuryuki "Pat" Morita sa edad na 73. Natural cause ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Nung binasa ko ang kanyang biography, ni isang experience sa karate wala akong nakita. Nagsimula siya bilang isang komedyante. Akalain mo napaniwala ako na isa talaga siyang expert sa karate. Magaling nga siyang umarte kaya naman dahil sa The Karate Kid, umani siya ng parangal sa Oscar at Golden Globe award bilang Best Supporting Actor.





All in all, it's a must see movie ang The Karate Kid. Aside from enjoying scenes in China at mai-inspire ka rin mag-Mandarin, Cantonese o Fookien, the movie has inspiring dialogues. Hindi lang siya na-aapply sa buhay karetista pero sa totoong buhay din ng tao.

2 comments: