Wednesday, July 7, 2010

FLIGHT


Kakapost ko lang sa facebook na kabado ako. Mabilis talagang kumalat ang balita. Wala pa nga ako napopost marami na ang may hint. May maitatago pa ba ako eh di sabihin na. Sa Hulyo kinse, papunta na ako sa Abu Dhabi, UAE. Titira ako sa mga tiyahin at pinsan ko doon at magiging alipin ng mga arabo o ilang mga dayuhan. Ilang taon ko ding nasa isip ang pag-aabroad, ngayon lang ako nauntog. Tama na ang anim o pitong taon ko sa pagtatrabaho sa bayan. Panahon na siguro mangibang bayan. Totoo ang kasabihan na habang buhay pa, maging liberated sa pag-alis. May passport ako pero ni isang tatak na visa, wala pa rin. Sayang lang ang nagastos mong pag-gawa na 750 pesos at pagpaparenew nito na 750 pesos ulit.


Siguro kakambal na ng pagsusulat ang paglalakbay. Marami na akong naririnig, (sa mga kaibigan, sa mga kamag-anak na nakaalis na ng bansa na iba ang buhay sa labas. Marami ka pa daw masasaksihan na grabe, at kung minsan kaaya-aya. Kaya malamang ang blog ko na ito mabubusog sa imprmasyon na aking isusulat. Isa pa hindi lang UAE ang mga nabuong lugar sa aking isip na gusto kong puntahan, marami pa. At ang lakas ng loob kong sabihin na handa na akong isa isahin yun.

Nakaimpake na ko pero may mga kulang pang pantalon, slocks , medyas at underwear. Ang visa, inaantay ko pang mapadala ngayong araw na ito. Sa isang lingo, aantayin ko naman yung authenticated documents galing sa UAE embassy. Handa na rin ang ticket, passport, konti na lang pala ang kulang. Sana lahat yun makarating bago mag-akinse. Dahil nakakahiya naman sa mga nakaalam na naudlot ang pag-alis ko. Mahirap na.

Habang papalapit ng papalapit ang araw ng pag-alis ko, naiisip ko pa rin ang mga tao, bagay at hayop na maiiwan ko. Hindi pala ganun kadali. Iniisip ko paano kung makalipas ang lima o anim na taon, buhay pa ba sila? Anu-anong pagbabago ang makikita ko sa aking pagbalik? Unang una, naiisip ko ang pamilya ko. The best kasi itong grupo na ito bago ang mga tropa ko. Si Daddy at si Mommy, sila ang naging punong abala sa unang proseso ng aking pag-aabroad. Sabik na talaga nila akong paalisin. Siguro nagsawa na sa pagmumukha ko, kasi mag-iisang taon na rin akong nasa bahay, pero for sure hindi nila makakalimutan ang luto ko. Si Edyik, ang aking bunsong kapatid. Sana lang hindi niya ako biguin. Si Mae, isang taon na lang ikakasal na at tuluyang titira na sa bahay ng kanyang future husband. Sana lang madadalaw pa din niya ang parents naming, kasi kung hindi wala siyang kuwarto pag napagawa ko na ang bahay.

Sina Cat Food. Mahal na mahal ko ang mga ibon na ito. Kahit hindi na sila nagkaanak. Two years old na sila at sobrang malalakas pa rin. Ipapaubaya ko muna sila kina Daddy kasi hindi ko na sila mapapakain araw araw. Ngayong lingo, may cleaning ceremony ako sa kulungan nila. Iyon ang huli kong serbisyo sa dalawang lovebirds ko.




Isa pa yung mga pussies sa bahay. Sana pagbalik ko nakalipat na kayong ng bagong CR. Nakakabanas na kasing maamoy kada maliligo ako ang pinagsamang shampoo at poopoo ninyo. Try niyo kaya, hindi mabango.







Yung halaman kong si B. Natural hindi ko siya madadala sa airport, pero madaming magdidilig sa kanya. Wag lang nilang lunurin.



Siyempre yung mga girlfriends ko at mga barkada ko sa ilang lupalop ng mundo. Ano bang magagawa ko sa mundo na ito kung wala kayo? All my pains will be worth it someday, pangako ko yan. I’ll remain single mga bakla!

More experiences from abroad to be posted. Till I see you again Philippines! =)

No comments:

Post a Comment